The soft copy is not edited so please bear with the typo and grammatical errors that you may about to read. A Star’s Wish Written by marthayeerstories Copyright © 2013 by marthayeerstories. ALL RIGHTS RESERVED. No part of these story may be copied or reproduced in books, pamphlets, outlines or notes, whether printed, typewritten, photocopied, or in any form for distribution or sale, without written permission of the author. This is a fictional story. All characters and scenes are produced by the author’s imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, events, places and/or other stories is entirely coincidental and not intended by the author. Chapter 1- A Wish that can Change Everything Sa mga panahong nagdaan nakita ko kung paano nagsumikap ang mga tao upang maabot ang mga bagay na gusto nila, nakita ko din ang mga hirap at pasakit nila. Minsan na isip ko nga na maging tao nalang upang makaranas din ng kanitong karanasan. Naiingit ako sa kanila dahil nagagawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin at hindi din nila alam ang mangyayari sa kanila sa hinaharap kaya patuloy lang sila sa pagsusumikap upang magawa nila ang mga bagay na gusto nilang gawin samantalang nabubuhay pa sila. Ang hiling ko sana maging isa sa kanila upang maranasan ko din ang mga pangyayaring ito ang mahalin ka at magmahal . Ito lang ang nag-iisa kung hiling at sana ito ay ay matupad. Sa isang bahay "Kapagod talagang pumunta sa iskwelahan ang raming pinapagawa ng mga guro, hayysst," tinignan ang mga bituin, "sana naging isa nalang ako sa mga bituin upang wala na akong iniaalala, bakit ba kasi ako sinilang sa mundong to! sana paggising ko isa na akong bituin." at pinikit niya ang kanyang mga mata. TIKTOKTIKTOK...........TIIIINGGGG "Kainis naman tong orasan nato to ang aga-aga pa eh," sabi ko "tsk, hindi natupad ang hiling ko kainis talaga tong buhay nato, urrgghh." Bago pa kayo magtaka kong sino ako ay iintroduce ko na ang sarili ko. Ako si Rafael Cruz, 3rd year high school student. Yun lang poh boring kasi ang buhay ko kaya yun lang ang masasabi ko tungkol sa aking sarili kaya pagtiagaan nyo nalang. Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos kumain ng almusal tsaka umalisna ng bahay kung nagtataka kayo kung nasaan ang parents ko well nasa ibang bansa sila nagtratrabaho kaya ako lang mag-isa dito sa bahay. Sa School "Hoy Rafael sama ka samin mamaya tignan natin ang mga bituin." si Nash yan kaibigan ko "Sige ba saan naman tayo?" tanongko "Dyan lang sa school grounds bahala na raw ang astronomey club na mag-set up ng mga kailanganin nating mga gamit." sabi niya. Kami kasing dalawa ay membro ng astronomey club yung pag-set up naman ng mga gamit ang mga 4th year students lang ang pwedeng gumawa nun upang maiwasan daw masira ang mga gamit. Oh well pakialam ko ba dun. School Grounds 9:00 p.m. : Matagal na kaming nandito pinagmamasdan namin ang mga bituin ngunit may hinihintay na kaming mas exciting dito ang meteor shower minsan lang raw ito sa apat na taon kung tama ako. Habang hinihintay namin ang paglabas ng meteor shower ay nagkwentuhan at nagkainan muna kami nakakagutom kaya ang ang maghintay. Hindi tagtagal ay nasilayan din namin ang meteor shower napaka ganda nitong tignan para itong mga bituin na nahuhulog sa langit matagal din namin tong pinagmasdan. Habang nawiwili ako sa pagtingin ng meteor shower may nakita akong parang may bumagsak malapit lang sa lugar kung saan kami. Kaya agad ko itong pinuntahan at nagulat ako sa nakita ko. May isang napakagandang babae ang nandoon sa pinagbagsakan ng bato. Para siyang isang bituin kaya agad akong lumapit sa kanya Chapter 2- Meeting Habang papalapit ako sa kanya bigla siyang nagising. At para siyang gulat na gulat sa nangyari. "Okay ka lang ba miss?' tanong ko "Sino ka at nasaan ako?" tanong naman niya "Ako si Raphael Cruz at nandito ka sa school grounds." sagot ko naman "Ha? bat ako nandito?' tanong naman niya ulit "Malay ko sa yo eh ikaw ang nandyan,teka ano pala pangalan mo?' tanong ko. Hibang ata tong isang to. "Ah...eh... wala akong pangalan eh.' sabi naman niya. Hala baka nagka-amnesia na tong isang to. "Saan ka ba nakatira hatid nalang kita.' sabi ko. "Nangaling ako sa isang napakalayong lugar ang lugar ng mga bituin." sabi naman niya. Hala baliw ata tong kausap ko. "Miss nababaliw ka na ata baka siguro tamaan ka ng bulalakaw dalhin kaya kita sa hospital." sabi ko naman nagbabasakali lang baka mamaya saktan ako nito. "Wala akong sakit totoo lahat ng mga sinabi ko na nangaling ako sa lugar ng mga bituin at yung nahulog hindi yun bulalakaw ako yung nahulog." sabi niya "Sige miss ah alis na muna ako." sabi ko naman walang kwenta siyang kausap baliw na talaga. "Maawa ka wag ka munang umalis." nagmamakaawang sabi niya "Sorry miss ha may gagawin pa kasi ako." palusot ko naman *** Chapter 3- Her wish Nakarating na din kami sa wakas sa bahay ko. "Wow ang laki pala ng bahay niyo.' sabi niya "Salamat ah, maligo ka muna baka magkasakit ka," sabi ko habang kumukuha ng extrang damit ng mama ko "oh, suotin mo pagkatapos mong maligo" kaya agad siyang pumunta sa banyo ako naman nagluto baka kasi gutom siya. Baka nagtataka kayo marunong akong magluto natuto ako bata palang ako dahil madalas wala ang parents ko kaya wag kayong mag-alala hindi ko lalasunin ang babaeng yan. Maya-maya pa lumabas na siya ng banyo. "Halika ka dito kumain ka muna baka nagugutom ka." sabi ko. Agad siyang umupo sa silya tsaka kumain ako naman pinapanuod siyang kumakain. Hoy kung ano man ang iniisip niyo nagkakamali kayo wala akong gusto sa kaniya masaya lang siyang tignang kumain first time ko kasi makita ang isang taong nasisiyahang kumain sa mga niluto ko. yun lang po yun wala ng iba. period "Gusto mo ba?" sabi niya "Ah...eh.... sige ikaw nalang tapos na akong kumain" sabi ko pambihira nagulat ako dun ah "Ah akala ko kasi gutom ka panay ang titig mo sa akin eh, bakit mo ba ako tinititigan kung hindi ka gutom?" sabi niya pambihira at nagtanong talaga siya ah "A...h......e.....h......" pambihira mag-isip ka dali ng isasagot mo "K....Ka.....kas.....kasi....a....n...ano......" "Kasi ano?" ulit naman niya Pambihira mag-isip ka Rafael kung anong idadahilan mo.... Ah tama "Kasi ano naisip ko kung totoo ba yung mga sinabi mo saakin na galing ka sa lugar ng mga bituin." ayos may palusot din pero totoo din namang gusto kung malaman ang totoo "Totoo ang sinabi ko sa iyo hindi ko alam kung bakit ako nandito pero ang alam ko lang ay minsan akong humiling na sana maging isang tao ako kaya simula noon ay araw-araw na akong nagdarasal na sana matupad ang hiling ko." sabi niya "Bakit mo ba gustong maging tao hindi mo ba alam na puro pasakit at paghihirap lang ang nasa mundong to sana hindi kanalang humiling na maging tao ka baka pagsisihan mo to sa huli." sabi ko naman "Hindi, hinding hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon, nais kung maramdaman kung paano maging masaya at maging malunkot, kung paano tumawa at umiyak ngunit ang higit sa lahat ay gusto kong matutunan na magmahal at saka mahalin. Lahat ng to nagagawa ng mga tao ngunit kaming mga bituin nandiyan lang sa langit at ang tanging ginagawa ay tingnan ang mga tao." sabi niya "Hindi mo ba masasabing maswerte ka maraming mga tao ang naghahangad na maging isang bituin ngunit inaksaya mo lang ito." sabi ko naman "Oo maswerte nga ako dahil isa akong bituin at alam ko din na maraming tao ang naghahangad na maging tulad ko, pero hindi nila alam ang mga lunkot na pinagdaraanan namin. Kung baka gusto mong tumulong ngunit wala kang magawa dahil wala kang kakayahan na tumulong. Masakit yun sa amin." sabi niya na parang umiiyak "lahat tayo may sari-sariling mga gusto at nais dapat itong respetuhin at galangin ng iba ito ang pinili ko at wala silang karapatang kwestyunin ang pinilin kung daan sana maintindihan nila yun." Pagkatapos niya yung sabihin ay tumayo na siya sa kinauupuan niya at dumiretso sa isang kwarto ako naman naiwan sa sala na parang tinamaan sa mga sinabi niya tama siya....tama lahat ng mga sinabi niya. Chapter 4-The Problem Fast Forward------------After 2 months------------------------ Medyo matagal na din nakatira sa bahay ko si Star yun yung pinangalan ko sa kanya dahil sabi niya isa siyang bituin ako naman dahil sa walang naisip na angkop na panganlan para sa kanya ay enenglish ko nalang ang salitang bituin kaya naging star yung pangalan niya. Nagkakamabutihan na nga kami ngayon kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko dahil may pagkaweird siya pero sa halos dalawang buwan naming pagsasama ay unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kanya at sa tingin ko ganon din siya sa akin. "Nandito na ako." sabi ko pagkarating ko sa bahay "Oh kamusta sa eskwelanhan" sabi naman ni Star "Ayun wala lang kaming ginawa wala kasing guro kaya boring. Naisip ko tuloy ano pa ang dahilan para pumunta sa eskwelahan kung pati naman ang mga guro hindi sumisipot aksaya lang siya sa oras." sabi ko naman "Hehehe....pero alam mo ang swerte mo nakakapag-aral ka ang iba nga diyan kahit anong gusto nilang makapag-aral ay hindi nila magawa dahil sa hirap ng kanilang dinaranas." sabi naman niya na parang nag-aalala. "Oo na tama kana kaya mag-aaral na akong mabuti hindi kita matiis eh." sabi ko na parang namumula na ata. "Sige ah aasahan ko yan. O sya magbihis kana para makakain na tayo." masayang sabi niya. Agad naman akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Star's POV "Hay sana nga tuparin niya ang mga sinabi nya sa akin at sana hindi na siya maging malungkot. Ano kayang mangyayari sa kanya pag wala na ako." sabi ko sa sarili ko Ang totoo niyan kasi ang pagpunta ko dito ay may oras hindi sa habang buhay ako pwede narito. Dahil ang isang bituin ay hindi pwedeng magtagal sa lugar ng mga tao kailangan niyang bumalik sa lugar niya sa ayaw niya man o sa gusto kaya wala akong magagawa malapit na ang oras ko upang umalis. Papaano kaya ako magpapaalam kay Rafael. "Star kain na tayo." sa ni Rafael "Sige." sabi ko naman "Teka bat ang lungkot mo may nangyari ba?" tanong niya "Ah...eh.....wala naman." sagot ko "sigurado ka?' "Oo naman" sagot ko at saka naghari ang katahimikan Rafael's POV Para talagang may kakaiba kay Star ngayong araw ang tahimik niya ngayon kung dati ay madaldal ang isang to pero bakit ang tahimik niya parang hindi ako sanay eh. Please naman oh magsalita ka diyan. "Ah...." sabi ni star na pumutol ng katahimikan. "Ano yun?' tanong ko "Itatanong ko sana sayo kung libre ka bukas?" sabi nya "Oo naman, bakit may gusto ka bang pumuntahan?" tanong ko "Meron pwede mo ba akong samahan bukas doon sa lugar kung saan una tayong nagkita?" sabi niya " Sige, pero bakit doon?" tanong ko "Wala lng, so bukas ha." sabi nya na parang may lungkot sa kanyang mga mata ano kayang problema ni Star kung ano man yun sana ay matulungan ko siya kahit na papaano. Chapter 5- Finale KINABUKASAN Maaga kaming umalis ng bahay nagmasyal-masyal muna kami at kumain ng kumain ng tanghalian sa isang fastfood bago pumunta sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Star. "Star nandito na tayo, ano ba gusto mong gawin dito?' gising ko sa kanya nakatulog kasi sa sasakyan "Nandito na pala tayo maglakad-lakad muna tayo total malayo pang gumabi." sabi niya "Ano dito langa tayo hanggang sa gumabi." tanong ko sa kanya. Ang layo pa kaya bago gumabi 4 palang ng hapon eh "Ikaw naman oh ayaw mo ba akong makasama?" tanong niya "Gusto." maikling sagot ko "Yun naman pala eh, mamasyal muna tayo gusto ko kasing makasama ka kahit ngayong araw lang." "Teka may problema ka ba iba kasi ang kilos at pananalita mo ngayon." sabi ko "Ikaw naman ano ba ang masama kong gusto kitang makasama ngayon ha." "Wala naman, sige na nga tara na." sabi ko naman Star's POV "Teka may problema ka ba iba kasi ang kilos at pananalita mo ngayon." sabi ni Rafael. Nako hindi ko alam ang gagawin ko ngayon ito na ang huling araw kung saan pwede ko siyang makasama pagkatapos nito ay babalik na ako sa pagiging isang bituin hindi ko talaga alam kong anong idadahilan ko sa kanya. Ayaw ko siyang maging malungkot dahil lang sa pagkawala ko gusto kong ipagpatuloy niya ang kanyang mga pangarap para naman maging masaya siya. "Ikaw naman ano ba ang masama kong gusto kitang makasama ngayon ha." sabi ko naman. Yun lang ang nasabi ko dahil sa wala na akong naisip na ibang dahilan. Sorry po hindi kasi ako magaling magdahilan. "Wala naman, sige na nga tara na." sabi ko ni Rafael Hay sana naman hindi sya mag-alala sa akin. Fastforward 6 p.m. Rafael's POV Maykakaiba talaga kay Star ngayon kanina pa siya tahimik. "Star anong oras ba tayo uuwi gabi." sabi ko "Sandali nalang." maikling sagot niya "May problema kaba?" tanong ko. "Ang totoo niyan may sasabihin ako sayong isang importanteng bagay." seryosong sabi niya "Ano yun?" tanong ko uli sa kanya. Atsaka bigla siyang tumingin sa mga mata ko. "Ang totoo niyan kailangan ko nang umalis dito panahon na upang bumalik ako sa pagiging bituin." sabi niya "Pero bakit diba sinabi mo na natupad ang hiling mong maging isang tao?" sabi ko "Oo pero, hindi sa habang panahon ay mananatili akong isang tao dahil lahat tayo dito sa mudo ay may iba't-ibang tandahanang ibinigay sa atin at kahit kailan hindi ito pwedeng ibahin. Nakatadhana akong maging isang bituin na laging nakatanaw sa mga tao at gabayan sila. Sana ay maintindihan mo ito." sabi niya "Hindi...hindi ako papayag! galit na sabi ko "Pakiusap Rafael tanggapin mo na hindi tayo para sa isa't-isa marami ka pang ibang bagay na matutuklas at makikita sa mundong ito kaya sana sa pagkawala ko ay huwag kang maging malungkot ipagpatuloy mo ang buhay at maging masaya ka sana." "Pero paano ako magiging masaya kong wala ka?" "Balang araw mahahanap mo din ang babaeng para talaga sayo kaya naman huwag kang umiyak at tatagan mo ang iyong loob." "Wag kang umalis" "Pakiusap Rafael ipagpatuloy mo ang buhay at maging matatag ka. Mahal na ma..........." "Star...star....star!!!!!!" sigaw ko dahil bigla nalang siyang naglaho "Pakiusap Star wag kang umalis mahal na mahal din kita......" After 5 years Heto ako ngayon sa lugar kong saan kami unang nagkita ni Star halos 5 taon na nung bumalik siya sa pagiging isang bituin. Sinunod ko ang payo niya na magpakatatag sa buhay nakatapos ako ng pag-aaral at ngayon isa na akong doktor. "Tama ka nga Star masayang mabuhay marami pa akong kailangang matutunan, sana nakikita mo ako ngayon at sana maging masaya ka diyan sa itaas. Siguro ito na huling araw ng pagbisita ko dito kailangan ko na kasing kalimuatan ka at magsimula ng bagong buhay. Paalam na Star." sabi ko atsaka umalis Sasakay na sana nako sa sasakyan ko ng bigla nawawala yung susi ko. Kinapa ko ulit ang bulsa ko pero wala kaya naisipan kong bumalik sa lugar na yun ano ba yan kakapangako ko palang naman kay Star na hindi na ako babalik pero ano kailan ko ng bumalik agad dahil nawawala ang susi ko nako naman Rafael ang tanga mo. Babalik na sana ako ng..... " Sandali naiwan mo susi mo." sabi ng isang babae. Kaya agad akong humarap sa kanya "Sala....Star?" sabi ko kamukha kasi niya si Star "Huh sinong Star?" sabi niya. Kamukha lang pala niya pero kapareho sila ng mukha "Ah wala kaibigan ko dati may pagkakahawig kasi kayo kaya naman napagkamalan kitang siya, salamat pala. Ako pala si Rafael Cruz." sabi ko "walang anuman...ako naman si Cassandra Fy." sabi niya "Pwede ba kitang yayain mag-dinner bayad ko sa pagkakakita mo sa susi ko." "Sige walang problema wala din naman akong gagawin ngayon...alam mo ba hindi ko alam kong bakit pero ang gaan-gaan ng loob ko sayo para bang nagkita na tayo dati...teka nagkita na ba tayo dati?" sabi niya. "Ha... mukhang hindi pa naman" sabi ko grabe nagulat ako sa sinabi niya hindi kaya siya si Star, "so ano kain na tayo nagugutom na ako." "Tama ka nga gutom na din ako eh." sabi niya Tumingin ako sa langit at saka bumulong sana masaya ka diyan sa itaas Star dahil ako masaya na rin ako. ~FIN~ Pagkaraan ng 15 minuto bigalang umulan at buti naman nakauwi ako bago pa bumagsak ang ulan. Agad akong pumasok sa kwarto ko naligo at saka nagbihis matutulog na sana ako ng bigla kong maalala yung babae kanina. Malas naman oh naalala ko ko pa erase hindi ko siya dapat alalahanin baliw yung isang yun, kaya naman humiga na ako sa kama ko para matulog. "Maawa ka dito ka lang muna" "Maawa ka dito ka lang muna" "Maawa ka dito ka lang muna" "Pambihirang buhay to pati ba naman sa pagtulog ko naaalala ko yung babaeng yun. Tama na Raphael Cruz sa kakaisip sa babaeng yun baliw yun." sabi ko sa sarili ko, pero ayos lang kaya siya baka magkasakit yun. "ARRGGHH! bahala na ng" sigaw ko. at agad agad akong pumunta sa paaralan. At nakita ko siya nandoon parin basang basa na sa ulan kaya naman agad ko siyang pinuntahan. "Okay ka lang ba?' tanong ko sa kanya "Oo ayos lang medyo giniginaw lang" sabi naman niya "Halika dun ka muna sa amin magpalipas ng gabi basa kana kasi." sabi ko naman ang bait ko noh pero may kondesyon yung pagtulog ko noh. "Salamat ha." sabi naman niya "Wag kang magpasalamat may kapalit din ang pagtulong ko sayo pero sa ngayon hindi ko pa alam ang ipapagawa ko sa iyo kaya dun kana muna sa amin." sabi ko naman pero sa totoo lang may naisip na ako magiging katulong ko siya sa bahay na walang bayad. Hahaha ang sama ko talaga. "Ah ganun ba pero kahit salamat pa din" sabi naman niyana may wagas na ngiti. Yung ngiti niya parang nakakagaan ng loob na may kung anong dito sa puso ang nawala na parang itoy naging malambot dahil sa kanya. Pero hindi ko siya gusto ah baliw tong babaeng kasama ko kaya impossibleng magkagusto ako sa kanya. "Nako wala yun halika na" agad na sabi ko baka anong isipin ng isang to dahil tinitignan ko siya.